Wednesday, June 24, 2026

PINAIGTING NA SEGURIDAD SA TONDALIGAN BEACH, ISINUSULONG MATAPOS ANG NAITALANG INSIDENTE NG PAGKALUNOD SA ISANG KILALANG UNIBERSIDAD SA BANSA

Ipinatutupad ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang mas mahigpit na safety measures sa mga baybayin ng lungsod kasunod ng paalala mula sa Ateneo drowning incident sa Aurora kung saan dalawang student-athletes ang nasawi matapos tangayin ng malalakas na alon habang nasa isang team-building activity.

Bilang tugon, noong Hunyo 22, tinalakay sa konseho ang pagsusulong ng resolusyong humihiling sa City Tourism Office, sa koordinasyon ng City Engineering Office, CDRRMO, at iba pang kinauukulang ahensya, na magtatag ng pinalakas na safety measures sa mga baybayin ng lungsod.

Batay sa ulat, nakatakdang maglagay ng swimming zones sa Tondaligan Beach, pati na rin ang warning signages, safety markers, at guide ropes upang gabayan ang mga naliligo.

Plano ring isulong ng SP na suriin ang kakayahan at kagamitan ng mga lifeguard at palakasin ang rescue response sa mga oras ng dagsa ng tao sa baybayin.

Ayon sa mga opisyal, layunin ng mga hakbang na ito na maiwasan ang kaparehong insidente at masigurong ligtas ang mga residente at turista sa mga dalampasigan ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments