KAMPANYA KONTRA KARAHASAN SA LOOB NG MGA PAARALAN, IGINIIT SA DAGUPAN CITY; SUNOD-SUNOD NA NAITALANG KASO NG KRIMEN SANGKOT ANG MENOR, IKINAALARMA NG DEPED AT PNP

Mas binigyang diin ngayon sa Dagupan City ang patuloy nilang kampanya kontra karahasan kung saan nasasangkot ang mga kabataan tulad na lamang sa loob ng mga paaralan.

Ito’y matapos na maghayag rin ng pagkabahala ang pamahalaang lokal ukol sa insidente ng pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City kung saan ikinasawi ng ilang estudyante.

Sa ibinahaging post ni Mayor Belen Fernandez, nakaaalarma umano ang mga ganitong klase ng insidente lalo at nasasangkot ang mga kabataan.

Dapat umano na kumilos na agad dahil posible rin ang mga ganitong insidente sa kahit ano mang lugar

Iginiit din nito ang kanilang mga isinasagawang hakbang upang protektahan ang mga kabataan.

May mga aktibong hotlines na maaaring tawagan kung makararanas ng karahasan tulad ng bullying o ano mang pang-aabuso.

Samantala, nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang mga naitatalang krimen sa loob ng ilang paaralan sa bansa kung saan sangkot ang mga estudyante na siyang ikinalarma ng Department of Education (DepEd) at Philippine National Police (PNP). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments