Wednesday, June 24, 2026

BILANG NG ROAD CRASH SA REGION 1, PATULOY UMANONG BUMABABA – PNP

Patuloy na bumababa ang bilang ng mga naitatalang road crash sa Rehiyon 1, ayon sa datos na inilahad ng Philippine National Police (PNP) sa ginanap na Regional Peace and Order Council (RPOC) Region 1 2nd Quarter Council Meeting noong Hunyo 22 sa Dagupan City.

Ayon kay LTO Region 1 Regional Director Glorioso Daniel Z. Martinez, malaking bahagi ng pagbaba ng road crash incidents ang patuloy na pagpapatupad ng Libreng Theoretical Driving Course (TDC) ng Land Transportation Office (LTO) Region 1.

Sa ilalim ng programa, nabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga aplikante ng driver’s license hinggil sa mga batas trapiko, wastong pagmamaneho, tamang asal sa kalsada, at iba pang mahahalagang alituntunin sa road safety.

Bukod sa libreng TDC, patuloy ding nagsasagawa ang LTO Region 1 ng iba’t ibang road safety campaigns at information drives upang higit pang mapalakas ang kultura ng responsableng pagmamaneho sa buong rehiyon.

Binigyang-diin ng mga opisyal na ang pagbaba ng bilang ng mga aksidente ay bunga rin ng pagtutulungan ng LTO, PNP, mga lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang na ahensya sa pagpapatupad ng mga programang pangkaligtasan sa lansangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments