Wednesday, August 12, 2026

PNP, iniimbestigahan na ang nangyaring barilan ng mga pulis sa Cavite

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang nangyaring shooting incident kaninang 1:30 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakasawi ng isang pulis at isang sibilyan, at pagkakasugat ng isa pang pulis sa Cavite.

Ang suspek ay isa ring pulis at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Sa inilabas na pahayag ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. , pinaalalahanan nito ang lahat ng personnel na mahigpit na obserbahan ang umiiral na polisiya sa firearm safety and handling , pati na ang wastong paggamit ng pwersa kung saan inaasahan ang mga tauhan nito na maging disiplinado.

Dagdag pa niya, hindi nila kukunsintihin ang anumang paglabag sa batas  o sa PNP rules at regulations , at hahayaan nito ang mga ebidensya, ang due process at ang kaukulang aksyon base sa magiging kalalabasan ng imbestigasyon.

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng mga nasawing indibidwal.

Facebook Comments