Tuesday, August 18, 2026

Gaming at chat history ng CICL na nasa likod ng shooting incident sa loob ng paaralan sa Zamboanga City, kasama sa tinitingnan ng awtoridad —SILG

Kasama sa tinitingnan ngayon ng mga awtoridad ang gaming at chat history ng Grade 9 na estudyante na nasa likod ng pamamaril sa loob ng paaralan sa Zamboanga City na ikinasawi nito at ng isa pang Grade 10 na estudyante, kaninang umaga August 18.

Sa panayam ng mga reporters sa Camp Crame, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na nagsasagawa na ng full investigative at analysis ang pulisya para matukoy ang posibleng motibo sa nasabing pamamaril, kasama na rito ang pag-interview ng awtoridad sa magulang at pamunuan ng nasabing paaralan.

Ayon kay Remulla, posibleng abutin ito ng isa o dalawang araw para makita ang tunay na pangyayari sa nasabing insidente.

Samantala, batay sa opisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP), gamit ng Child in Conflict with the Law o CICL sa nasabing pamamaril ang isang standard pistol at isa pang short firearm na binihisan ng Roni Conversion Kit para magmukha itong rifle.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ng Deputy Commissioner for the Enforcement Group ng Bureau of Customs (BOC) na si Nolasco Bathan na isang BOC-issued na baril ang isa sa mga ginamit ng nasabing CICL habang ang isa pang baril nito ay lisensyadong personal firearm ng tatay ng nasabing CICL.

Inaasahan naman na magkakaroon ng administrative iability ang nasabing ama ng CICL dahil dapat na properly safekeep ang mga ganitong klase ng armas.

Facebook Comments