Paghinto ng pagpatay sa mga inosente at walang kalaban laban, isa sa pangunahing dasal ni Sen. De Lima ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Pangunahing dasal ni Senator LeilaDe Lima ngayong Semana Santa na matuldukan ang mga alitan at karahasangkumikitil sa buhay ng inosente at walang kalaban-laban.
  Dalangin din ng Senadora na mabawasan ang mga bumabagabagsa isip at kalooban ng bawat isa.
  Umaasa si Senator De Lima na magamit natin ang panahongito upang huminto pansamantala, at makapagnilay sa ating buhay at sa mganangyayari sa ating lipunan.
  Sana aniya ay masuri natin kung ang bang panindigan,hangarin at desisyon ay naaayon sa kalooban ng Pangilinoon, na bilang tao, aybuong pagpapakumbabang nagsakripisyo sa ating lahat.
  Hiling din ni De Lima sa lahat na ipagdasal ang ating mgapinuno ay magabayan sa tamang landas ng pamamahala, gayundin ang ating kapwa,lalo na ang mga biktima ng kawalang katarungan.
  Tiwala si Senator De Lima na sa patnubay ng Panginoon, aymangingibabaw ang kabutihan, katarungan at katotohanan sa ating bayan.

Facebook Comments