Thursday, May 28, 2026

Reklamong obstruction of justice laban kina Sen. Padilla at iba pa, hindi pa natatanggap ng DOJ

Wala pa sa Department of Justice o DOJ ang reklamong obstruction of justice na inihain laban kay Sen. Robin Padilla at iba pa.

Kasunod ito ng anunsiyo ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG kanina na naipadala na nila sa DOJ ang kopya ng reklamo.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, wala pa umanong natatanggap ang DOJ-National Prosecution Service na naturang reklamo at hinihintay pa nila ang referral nito.

Inireklamo sina Padilla at lima pang indibidwal ng obstruction of justice kaugnay ng pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na itinuturing na ngayong pugante.

Bukod sa senador, inireklamo rin ng PNP-CIDG ang may-ari ng sasakyang nagsilbing back-up vehicle at ang security officer ni Padilla.

Facebook Comments