Pagmamadali sa Naga Airport expansion at rollout ng Bicol railway project, apela ng isang kongresista kay PBBM

Nanawagan si CamSur Representative LRay Villafuerte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isama sa prayoridad at madaliin ang expansion at improvement ng Naga Airport gayundin ang rollout ng Philippine National Railways-South Long Haul o PNR-Bicol.

Apela ito ni Villafuerte makaraang ihayag ni PBBM ang plano nitong ituloy ang mga proyektong imprastraktura na sinimulan ng mga nakaraang administrasyon.

Tiwala si Pangulong Marcos na magkakaloob ito ng mga trabaho at hihikayat sa mas maraming mamumuhunan.


Ayon kay Villafuerte, kapag naisakatuparan ang expansion ng Naga Airport ay mas marami pang mga malalaking eroplano o jets ang makakalapag dito.

Binanggit ni Villafuerte na ang rollout naman PNR-Bicol project ay magpapaikli sa tagal ng pagbiyahe mula Maynila patungong Bicol sa apat na oras mula sa kasalukuyang 12 oras.

Facebook Comments