Pagpapaliban ng 2022 barangay at SK elections, posibleng makaapekto sa 2025 midterm elections

237

Posibleng makaapekto sa paghahanda ng 2025 midterm elections ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapaliban ng nalalapit na 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na December 5, 2022.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Comelec acting Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na handa ang komisyon sakaling magpasa ng batas ang Kongreso upang suspendihin ang nalalapit na halalan.

Dagdag pa ni Luadiangco, sakaling suspendihin man ito ay sinisiguro namang hindi masasayang ang mga nakahanda nang balota at iba pang accountable forms kalaunan katulad ng ginawa sa paglipat ng October 2017 barangay elections papunta sa May 2018.


Sa ngayon, hindi pa nagagamit ang walong bilyong pisong pondo para sa 2022 Barangay at SK elections batay sa impormasyon mula kay Comelec Finance Services Directopr Martin Niedo.

Mababatid na isinusulong ng ilang miyembro ng 19th Congress ang pagpapaliban ng naturang halalan upang makatipid ang gobyerno at siyang gagamitin para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at economic stimulus packages.

Facebook Comments