Monday, June 22, 2026

PBBM, kinilala ang mahahalagang aral na natutunan kay Marcos Sr.

Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kasabay ng pagdiriwang ng Father’s Day kahapon.

Ayon sa pangulo, patuloy niyang pinanghahawakan ang mga aral na natutunan mula sa kanyang ama, lalo na ang kahalagahan ng tungkulin, pagtitiyaga, at paglilingkod sa kapwa.

Nagpasalamat din siya sa pagmamahal at gabay na ibinigay ng dating pangulo sa kanilang pamilya.

Kalakip ng mensahe ang ilang larawan nila ng kanyang ama at ang pagbating “Happy Father’s Day.”

Nagbigay rin ng pagkilala si Pangulong Marcos sa lahat ng ama, lolo, stepfather, at mga itinuturing na ama dahil sa kanilang pagmamahal, sakripisyo, at paggabay sa kanilang pamilya.

Malaki aniya ang ambag ng mga ama sa paghubog ng kanilang mga anak at sa pagbuo ng mas matatag na kinabukasan ng bansa.

Facebook Comments