
Inilabas na ng Judicial and Bar Council ang short list ng mga nominee para sa posisyon ng Associate Justice sa Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.
Nasa 24 na pangalan ang isinumite ng JBC sa Malacañang para pagpilian ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay bilang kapalit ni Court of Tax Appeals Associate Justice Catherine Manahan na nagretiro nitong January 2.
38 naman na aplikante ang ibinigay ng JBC sa Palasyo para sa Sandiganbayan Associate Justice.
Pipiliin dito ang papalit kay Associate Justice Ma. Theresa Gomez-Estoesta na itinalagang Court Administrator ng Korte Suprema noong nakaraang taon.
Facebook Comments










