Tuesday, May 12, 2026

Malacañang, walang bagong impormasyon sa umuugong na cabinet revamp

Wala pang bagong impormasyon ang Malacañang kaugnay sa mga umugong na panibagong balasahan gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Lumabas sa ilang ulat na posibleng mapalitan sina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, Acting Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolando Toledo, at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

Si Toledo ay papalitan umano ni UP Professor Kim Robert de Leon bilang kalihim ng DBM habang si Atty. Benhur Abalos naman ay posibleng italaga bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Pero ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala pa umanong ipinapaabot sa Malacañang na anumang pagbabago sa hanay ng mga kalihim ng Gabinete.

Tiniyak din ng Palasyo na nananatili ang tiwala at kumpiyansa ng pangulo sa kaniyang cabinet secretaries sa kabila ng mga lumalabas na espekulasyon na may ilang opisyal nang nasa “chopping block” umano ng administrasyon.

Facebook Comments