Pagsasampa ng kaso laban kay Albayalde at ninja cops, patunay ng serysong war on drugs

Iginiit ni Senator Christopher Bong Go, ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde at umano ay mga ninja cops ay patunay na tuluy-tuloy ang seryoso at walang sinisinong gera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Paalala pa ni Go sa mga kasapi ng pambansang pulisya, kakambal ng tiwalang ibinibigay sa kanila ay ang responsibilidad na panatilihin nilang malinis ang kanilang pangalan at panagutan ang anumang mali na kanilang gagawin.

Binanggit din ni Go na palaging sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na parte ng kampanya kontra iligal na droga ang internal cleansing sa gobyerno kasama ang kapulisan.


Katwiran ni Go, kung hindi pananagutin ang mga opisyal ng pnp na mapapatunayang may ginawang mali, ay mawawala ang kredibilidad nila sa tao at ang tiwala na ibinibigay sa kanila ng Pangulo.

Sa kabilang banda, ay sinabi ni Go na ang pagharap sa kaso ay pagkakataon din para kina Albyalde at mga inaakusahang ninja cops na linisin ang kanilang sarili kung wala talaga silang kasalanan.

Facebook Comments