PAGSUSURI PARA SA DAGDAG NA PAGKUKUNAN NG TUBIG PARA SA MGA RESIDENTE NG MANAOAG, ISINAGAWA

Sinimulan ng Manaoag Water District (MANWAD) ang georesistivity survey sa mga barangay ng Babasit, Bucao, at Baritao upang tukuyin ang mga lugar na may potensyal na maging karagdagang mapagkukunan ng groundwater sa bayan.

‎Ayon sa MANWAD, layunin ng isinagawang pagsusuri na sukatin ang electrical resistivity ng lupa upang matukoy ang posibilidad ng pagkakaroon ng groundwater sa mga nasabing lokasyon.

‎Karaniwang ginagamit ang pamamaraang ito bilang batayan sa pagpili ng mga lugar na angkop para sa pagbabarena ng mga production well.

‎Matapos makumpleto ang pagsusuri, gagamitin ang mga resulta upang matukoy ang mga pinakaangkop na lugar para sa water source development.

‎Ang mga mapipiling lokasyon ay sasailalim pa sa karagdagang teknikal na pagsusuri bago tuluyang isagawa ang pagbabarena ng mga balon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments