KONSTRUKSYON NG MGA PROYEKTONG IMPRASTRAKTURA SA BAHAGI NG PANGASINAN PROVINCIAL CAPITOL, PATULOY

Patuloy ang mga isinasagawang proyektong imprastraktura sa Pangasinan Capitol Complex sa Lingayen bilang bahagi ng progreso at layunin ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng improvement sa mga imprastraktura sa nasabing lugar.

Nito lamang ay sunod nang sinimulan ang konstruksyon sa harapang bahagi ng kapitolyo kung saan hindi lamang usapin sa pagpapaganda ng lugar kung hindi progreso din umano sa mga daanan, drainage systems, at pati na rin sa usapin sa epekto ng climate change.

Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, ilang buwan o kung hindi man ay higit isang taon ang inabot umano ng mga engineers, coastal engineers at architects kung ano ang angkop na isasagawa sa provincial capitol.

Isa sa isasagawa ay ang paglalagay ng drainage systems matapos na maranasan ang pagbaha sa kapitolyo dulot ng bagyong Uwan noong nakaraang taon.

Binigyang linaw din ni Lambino na may kapalit namang pagtatanim ang pagputol sa higit isaan daang mga puno sa lugar bilang bahagi ng Capitol redevelopment plan.

Karamihan umano sa mga pinutol ay mga non-endemic/invasive species ng puno na hindi na umano nakatutulong sa water management ng kapitolyo.

Ang plano naman na ito ay para rin umano sa pagpapabuti ng kalidad, serbisyo, at pati na rin ang response sa climate change.

Samantala, tinitiyak naman ng pamahalaang panlalawigan ang layunin ng redevelopment sa kapitolyo na magkaroon ng maayos na madadaanan, drainage systems, traffic systems, at preskong mga lugar para sa mga residente at bisitang dadayo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments