PANININDIGAN NG BARANGAY RESPONDERS SA ALAMINOS, PINAGTIBAY SA DISASTER PREPAREDNESS CARAVAN 2026

Pinagtibay ang papel at paninindigan ng mga barangay disaster responders sa lungsod matapos isagawa ang Disaster Preparedness Caravan 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.


‎Sa pangunguna ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Mylene Manalastas, layunin ng programa na higit pang palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga barangay responders sa maayos na paghahanda at mabilis na pagtugon sa mga kalamidad at emerhensiya.


‎Isang mahalagang bahagi ng aktibidad ang isinagawang Mass Oath Taking ng mga Barangay Disaster Response Team, na sumisimbolo sa kanilang matibay na pangako sa pagtupad sa tungkulin at sa mas aktibong pakikilahok sa mga programa ng disaster preparedness ng lungsod.

‎Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni City Mayor Arth Bryan C. Celeste ang mga barangay responders bilang pangunahing katuwang ng lokal na pamahalaan sa mabilis at epektibong pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency.


‎Bilang bahagi ng programa, ibinahagi ang kaalaman tungkol sa Disaster Preparedness, na naglalayong dagdagan ang praktikal na kaalaman ng mga kalahok sa aktuwal na pagtugon sa sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments