
Nagtungo kanina sa Office of the Ombudsman si Atty. Levito Baligod at ang walo sa 18 ex-bodyguards.
Ayon kay Atty. Baligod, dumating sila para sa paglalagda ng walo sa sarili nilang affidavits.
Nauna rito, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na natatagalan ang paghahain nila ng kaso laban kay dating House Speaker Martin Romualdez dahil hindi pa napipirmahan ang mga affidavits ng walong dating bodyguard ni Zaldy Co.
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na gagamitin nila ang mga testimonya ng walong ex-bodyguards para maisama sa inihahanda nilang kaso laban kay Romualdez.
Para sa Ombudsman, categorical at consistent ang narrational facts ng walo na may kaugnayan sa paghahatid ng pera kina Co at Romualdez.
Facebook Comments










