BFAR1 AT DAR1, NAGTUTULUNGAN SAFISHERIES-BASED LIVELIHOOD PROGRAM

Mas pinalakas ang hakbang tungo sa pag-unlad ng kabuhayan ang inilunsad matapos pormal na lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Field Office 1 at ang Department of Agrarian Reform (DAR) Regional Office I para sa pagpapatupad ng fisheries-based livelihood program sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa bagong kasunduan, binibigyang-diin ang paglikha ng mas matatag at pangmatagalang kabuhayan para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) sa pamamagitan ng pagsasanay at paghubog ng kakayahan sa sektor ng pangingisda.

Ayon sa programa, magsasagawa ng serye ng capability-building activities na nakatuon sa fishery livelihood enhancement.

Sa implementasyon, ang BFAR ang mangunguna sa pagbibigay ng teknikal na kaalaman, mga eksperto, training modules, at iba pang suportang pangkabuhayan na nakabatay sa yamang tubig. Samantala, ang DAR naman ang siyang tutukoy sa mga kwalipikadong benepisyaryo, mag-uugnay sa mga kalahok na organisasyon, at titiyak sa maayos na koordinasyon ng programa.

Bukod sa pagsasanay, magkasamang magsasagawa ang dalawang ahensya ng regular na monitoring at evaluation upang matiyak ang epektibong pagpapatupad at pangmatagalang benepisyo ng proyekto.

Ang kasunduan ay may bisa sa loob ng isang taon at inaasahang magdadala ng mas mataas na produktibidad, seguridad sa pagkain, at mas matatag na kabuhayan sa mga komunidad sa kanayunan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments