Pagtanggi ni VP Sara na binantaan niya ang First Couple at House Speaker, binara ng ilang kongresista

Para sa ilang lider ng Kamara, makikita ang pagiging sinungaling ni Vice President Sara Duterte sa pagtanggi nito na pinagbantaan niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Unang Ginang Liza Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City, ang biglaang pagbaliktad ni Duterte sa kanyang pahayag na may nakausap na siyang papatay sa pangulo, unang ginang, at house speaker ay isang desperado at baluktot na pagtatangkang burahin sa isip ng publiko ang kanyang mga sinabi.

Diin naman ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st district Rep. Zia Alonto Adiong, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka ni Duterte na palabasin na siya ang biktima para iligaw ang publiko at magkunwaring wala siyang ginawang mali.


Bunsod nito ay umaapela naman si Zambales Rep. Jay Khonghun sa National Bureau of Investigation na pabilisin ang kanilang imbestigasyon sa kaso dahil ang mga banta laban sa Pangulo ay isang seryosong usapin at isang mahalagang isyu ng pambansang seguridad.

Facebook Comments