
Nakapagpamahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng kabuuang 211,751 na titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa buong bansa para sa taong 2024.
Kabilang dito ang 134,736 electronic titles (e-Titles) at 77,015 certificates of land ownership award (CLOAs) sa ilalim ng regular na land acquisition and distribution (LAD) ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Sinabi ito ni DAR Undersecretary for Policy, Planning and Research Office Atty. Luis Meinrado Pañgulayan na may kabuuang 203,839 ARB ang nakinabang mula sa pamamahagi ng titulo ng lupa.
Nasa 126,810 ARB ang tumanggap ng mga titulo sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project at 77,029 ARBs sa ilalim ng regular na programan ng LAD.