
Pinaiimbestigahan ni Senator Kiko Pangilinan ang pagguho ng siyam-na-palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City sa Pampanga kung saan apat ang naitalang nasawi habang trapped pa ang maraming biktima na karamihan ay mga construction workers.
Sa Senate Resolution 406 na inihain ni Pangilinan, sisilipin ang umano’y hindi otorisadong pagtatayo ng dagdag na palapag sa gusali na naging sanhi ng paghina ng structural integrity nito.
Pinagsasagawa rin ang imbestigasyon ng komprehensibong review sa National Building Code gayundin ng pagpapalakas sa occupational safety standards at pagtiyak sa accountability ng mga partidong responsable rito.
Partikular na sisilipin sa pagsisiyasat kung ang substandard materials, hindi otorisadong modifications, kawalan ng oversight, o kakulangan sa permit, inspeksyon, occupational safety enforcement, at disaster preparedness ay nakadagdag sa sanhi ng pagguho ng gusali.
Sinabi ni Pangilinan na sinasalamin ng nangyaring insidente ang pagpapatupad ng mga safety regulations sa pagtatayo ng mga gusali, pampubliko man o pribado.










