
Nakakita ng inconsistencies ang mga imbestigador sa mga naging pahayag ng mga players at coaches kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkalunod ng 2 Ateneo basketball players sa Aurora ayon ito kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Aniya, magkaiba umano ang vantage points ng mga ito dahil ang mga players ay nasa dagat habang ang mga coaches ay nasa pampang.
Samantala, sinabi ni Remulla na dahil sa mga inconsistency sa mga pahayag ay posibleng umabot pa ang imbestigasyon hanggang sa susunod na linggo.
Kaugnay naman ng drone footage na ipinakita kay coach Tab Baldwin sa pagtungo nito sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), sinabi ni Remulla na maikli lamang ang kuha nito na umabot ng humigit-kumulang dalawang minuto matapos ang insidente.
Ngunit ayon kay Remulla, kumukuha na rin sila ng CCTV footage mula sa resort.










