Friday, June 19, 2026

Subpoena para kay Ateneo President Fr. Roberto Yap, nakatakdang ibigay sa susunod na Huwebes

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakatakdang ibigay kay Ateneo President Fr. Roberto Yap ang subpoena nito sa Huwebes sa susunod na linggo.

Ito ay kaugnay pa rin ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkalunod ng 2 student-athlete sa Aurora.

Ayon kay Remulla, hindi nakarating ang Ateneo President dahil sa graduation ng Ateneo.

Samantala, kinumpirma naman na dumating kanina si dating Coach Tab Baldwin, Dean Castano, Em Fernandez at ibang opisyal.

Inaasahan namang aabutin pa sa susunod na linggo ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments