
Hinikayat ni Manila Representative Bienvenido Abante Jr., ang mga senador na ipaliwanag ang ₱24 billion “leadership fund” na inilaan sa kanila sa ilalim ng 2025 national budget.
Ayyhon kay Abante, dapat ipaliwanag ng mga senador kung paano nabuo ang nabanggit na alokasyon, sino ang tumanggap at nakinabang dito at saan o paano ito ginugol.
Para kay Abante, kailangang tingnang maigi kung among ibig sabihin ng leadership fund, ano ang layunin nito at aling ahensya ang nagpatupad.
Nais ding mabatid ni Abante kung may limitasyon o buong kontrol ang mga senador sa nabanggit na pondo.
Nabunyag ang ₱24 billion leadership fund ng mga Senador makaraang banggitin ito Sandiganbayan hearing ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na aniya’y nakapaloob sa 2025 budget ng ahensiya.
Bilang dating vice charman ng House Committee on Appropriations ay binigyang-diin ni Abante na wala silang leadership fund.










