Pahayag ni PRRD na ‘di papayagan na mapatay ang mga obispo at pari, ikinatuwa ng CHR

Manila, Philippines – Pinuri ng Commission on Human Rights (CHR) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag saktan o patayin ang mga lider relihiyoso.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann De Guia, ipinakita ng Pangulo na may obligasyon ang gobyerno na protektahan ang lahat kahit sila ay relihiyoso o kabilang sa may ibang pampulitikang pananaw.

Magugunita na ginawa ni Duterte ang pahayag bilang tugon sa text message ni Archbishop Luis Cardinal Tagle na nagsasabi na pinagbabantaan ang buhay ni Bishop David at ibang mga pari.


Umaasa ang CHR na ang bigla umanong pagbabago sa pahayag ni Duterte ay gawin din sa iba pang kritiko.

Facebook Comments