
Umabot na sa 836 na pasahero, truck driver at mga pahinante ang kasalukuyang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa epekto ng habagat at Bagyong Inday.
Batay sa pinakahuling maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), apektado ng masamang panahon ang 62 pantalan sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Northeastern Luzon, Bicol, Palawan, BARMM, Central Visayas, Western Visayas at Southern Visayas.
Bukod sa mga pasahero, hindi rin makabiyahe ang 346 rolling cargoes, 13 barko at 33 motorbanca dahil sa masamang kondisyon ng karagatan.
Samantala, 165 barko at 150 motorbanca naman ang pansamantalang nakadaong bilang pag-iingat mula sa epekto ng bagyo.
Muli namang nagpaalala ang PCG sa publiko at mga operator ng sasakyang pandagat na sundin ang ipinatutupad na pagbabawal sa paglalayag at makipag-ugnayan muna sa mga awtoridad para bago bumiyahe para sa kanilang kaligtasan at maiwasan ang abala.










