Monday, September 28, 2026

Globe, pinakamalakas ang network performance ngayong 2026 —DICT

Nanguna ang Globe Telecom sa network performance ngayong taon matapos makapagtala ng pinakamataas na overall score at pinakamabilis na average download speed noong Agosto, ayon sa Telco Report Card ng Department of Information and Communications Technology.

Nakakuha ang Globe ng 81.5 overall score, mas mataas ng 4.4 puntos kumpara noong Enero.

Umabot naman sa 45.9 megabits per second ang average download speed nito na pinakamabilis ngayong taon at 5.1 porsyento na mas mataas kaysa Hulyo.

Tumaas din sa 71.2 ang network quality score ng Globe mula sa dating 69.2, habang nanatili sa 20 milliseconds ang latency.

Ayon sa Globe, nakatulong dito ang patuloy na investments sa network infrastructure, technology upgrades at pakikipagtulungan sa pamahalaan.

Sa unang kalahati ng 2026, umabot sa 26.3 bilyong piso ang capital expenditures ng kompanya, kung saan 91 porsyento ay inilaan sa data-related initiatives.

Samantala, sinabi ng Globe na patuloy nitong pinapalakas ang network resilience, kabilang ang paggamit ng automation para mapanatili ang connectivity kahit may service interruptions.

Facebook Comments