Palibot ng Kalayaan Group of Island at Scarborough Shoal, pinapadedeklarang bilang Marine Protected Area

Isinulong ni Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn na ma-ideklara ang palibot ng Kalayaan Group of Island at Scarborough Shoal bilang Marine Protected Area.

Nakapaloob ito sa House Bill 6373 na inihain ni Hagedorn kasama sina Palawan First District Rep. Edgardo Salvame at Palawan Second District Rep. Jose Chavez Alvarez.

layunin ng panukala na palakasin ang proteksyon at preservation ng lahat ng yamang dagat at marine resource sa lugar.


Tinutukoy sa panukala ang lahat ng low-tide elevations at high-tide features, kasama ang three nautical miles na sakop ng Kalayaan Island Group at Scarborough Shoal.

Paliwanag ni Hagedorn, habang hinihintay na maresolba ang territorial dispute sa West Philippine Sea ay marapat lamang na unahin ang pagbibigay proteksyon at pangangalaga dito.

Facebook Comments