Pambato ng Pilipinas, pasok sa semifinals ng Miss World pageant!

103

Pinangalanan na ang mga pasok sa semifinals ng Miss World pageant.

Kabilang dito ang pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez sa mga nakapasok sa top 40 finalists ng Miss World.

Ang Cebu beauty ay kasama sa labing limang “fast track winners” ng pre-pageant challenges.


Una na rin nanalo si Maureen “head to head” challenge at pang top 6 sa “beauty with a purpose” project.

Ang coronation night ng 70th edition ng Miss World ay una nang ipinagpaliban noon Disyembre dahil sa COVID-19 outbreak sa Puerto Rico at muling itinakda sa March 16, 2022

Facebook Comments