Daily COVID-19 cases sa NCR, posibleng maging 500 hanggang 1,000 na lang sa susunod na buwan ayon sa OCTA!

306

Nakakakita ang OCTA Research Group ng pagbaba sa daily COVID-19 new cases sa National Capital Region sa pagpasok ng kalagitnaan ng Pebrero.

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, posibleng maging maganda ang Valentine’s Day sa Metro Manila dahil sa nakikita nilang pagbaba sa isang libo ang mga maitatalang arawang kaso ng virus.

Sinabi ni David na kung magtutuloy-tuloy ito ay posibleng umabot na lang sa 500 ang daily COVID-19 new cases sa Metro Manila pagdating ng katapusan ng Pebrero.


Nasa 2,000 hanggang 3,000 naman aniya ang posibleng maging bagong kaso na lang sa metro manila nitong katapusan ng enero.

Pero babala ni David, ang tuloy-tuloy na pagbaba ng kaso ay nakadepende pa rin sa galaw at pagsunod ng publiko sa minimum public health protocols.

Facebook Comments