Pamilya Mabasa, hindi pa rin kumbinsido sa mga bagong pasabog ni Gen. Bantag

“Let him say whatever he wants to say. He’s done.”

‘Yan ang mga katagang binitawan ngayon ni Roy Mabasa, ang kapatid ng pinaslang na radio commentator na si Percy Mabasa o Percy Lapid.

Kasunod ito ng mga pasabog ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag hinggil sa aniya’y mga nasa likod ng pandidiin sa kaniya sa Percy Lapid killing.


Nanindigan din ang pamilya Mabasa sa hamon nito kay Bantag na sumuko na at harapin na lamang nito ang kaniyang kaso.

Kabilang sa mga idinidiin ni Bantag na nasa likod ng aniya’y pag-manipulate sa kaniya si Justice Sec. Crispin Remulla.

Facebook Comments