PNP, bibigyang parangal ang 2 nilang tauhan na nagpakita ng kabayanihan

Gagawaran ng parangal ng Philippine National Police (PNP) ang 2 nilang tauhan na nagpakita ng kabayanihan sa paggampan ng tungkulin sa engkwentro kahapon sa Caloocan City.

Ayon kay PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ngayong araw igagawad ang medalya ng kadakilaan kay Police Corporal Noel Ogano na nasawi sa nasabing engkwentro.

Bibigyan din ng medalya ang sugatang si PLt. Col. Jerry Castillo.


Sinabi ni Azurin na taos pusong nakikiramay ang Pambansang Pulisya sa naulilang kamag-anak ni PCpl. Ogano at nangakong pabibilisin ang proseso upang agad nilang makuha ang benipisyo ng yumaong pulis.

Ngayong hapon, dadalaw si Azurin sa burol ni Ogano at dadalawin din ang sugatang si PLt. Col. Castillo para iabot ang medalya.13

Facebook Comments