Pamilya ng mga Pinoy na namatay sa vehicular accident sa New Zealand, inaalalayan na ng Philippine Embassy

96

Tinututukan ng Philippine embassy sa New Zealand ang pamilya ng pitong Pilipinong nasangkot sa vehicular accident sa nasabing bansa.

Ayon sa Embahada, regular silang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad doon at inaalalayan nila ang pamilya ng mga biktima.

Tinututukan din ng Philippine embassy ang kalagayan ng dalawang survivors lalo na ang isa sa mga ito na nagtamo ng matinding injuries.


Nakaalalay rin ang embahada sa mga pangangailangan ng survivors.

Sa nasabing aksidente, lima ang nasawi at dalawa ang nasugatan.

Facebook Comments