Pamunuan ng Lungsod ng Ilagan, Handang-handa sa Pagtaas ng Tubig!

City of Ilagan, Isabela – Handang-handa ang pamunuan ng lungsod ng Ilagan kung sakali na tumaas ang tubig sa mga susunod na oras.

Ito ang pahayag ni Ginoong Paul Bacungan, tagapagsalita ng lungsod ng Ilagan matapos na tumaas ang tubig sa ilang lugar dito sa lungsod ng Cauayan ngunit bumaba na ito sa ngayon at maari nang daanan ang ilang mababang tulay.

Kaugnay nito wala pa umanong paanunsyo ang Magat Reservoir kung magpapabas ng tubig o hindi.


Gayunman ay pinaalalahanan na umano ang lahat ng barangay sa lungsod ng Ilagan na maging alerto kung sakali na maglabas ng tubig ang magat dam at tumaas ang sa Ilagan River.

Nakahanda naman umano ang pamunuan ni Mayor Mudz Diaz para tumulong at suportahan sa anumang aberyang mangyayari.

Facebook Comments