PBA | Second finals berth, target ng Barangay Ginebra kontra Rain or Shine

Manila, Philippines – Target ng Barangay Ginebra ng tapusin na ang best of five of semifinal series nito kontra Rain or Shine mamayang ala-siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Gin Kings matapos talunin ang Elasto Painters, 75-72 noong Sabado para lumamang sa 2-1 sa semis ng PBA Commissioner’s Cup.

Gaya ng inaasahan, sasandal ang Gin Kings kay Justine Brownlee pero kung si Coach Tim Cone ang masusunod nais din nitong mag contribute ang mga local player ng Ginebra.


Tatangkain naman ng Elasto Painters na madala sa fifth game ang serye.

Naghihintay na sa finals ang defending champion San Miguel Beer.

Facebook Comments