Monday, April 20, 2026

PBBM, tiniyak ang tuloy-tuloy na ayuda habang mataas ang presyo ng langis

Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng Service Contracting Program sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa pangulo, bagama’t mahirap ang kasalukuyang sitwasyon, magpapatuloy ang tulong ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor habang nananatiling mataas ang presyo ng langis.

Marami na aniyang inilulunsad na programa ang pamahalaan at patuloy pa itong naghahanap ng iba pang paraan upang makatulong habang nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East.

Sa ilalim ng Service Contracting Program, binabayaran ang mga operator at drayber batay sa serbisyong ibinibigay at distansyang tinatahak, na umaabot sa humigit-kumulang ₱40 hanggang ₱100 kada kilometro.

Samantala, hindi na nakasipot si Pangulong Marcos sa special payout ng ₱5,000 TNVS drivers na hindi nakakuha ng ayuda sa naunang schedules ng pamamahagi.

Gayunpaman, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang tsuper ang mapag-iiwanan sa ayuda, partikular ang mga kuwalipikadong benepisyaryong hindi naisama sa unang listahan.

Facebook Comments