
Nagpaalala ang mga awtoridad sa mga magulang at tagapag-alaga na paigtingin ang pagbabantay sa mga bata upang maiwasan ang insidente ng pagkalunod, lalo na tuwing naliligo sa beach, ilog, at swimming pool.
Ayon sa paalala, hindi dapat iwanan kahit sandali ang mga bata dahil mabilis at kadalasang tahimik ang pagkalunod. Inirerekomenda rin na may nakatalagang responsableng nakatatanda na tutok sa pagbabantay sa kanila sa lahat ng oras, mas mainam kung ito ay marunong lumangoy at may kaalaman sa basic life-saving.
Binigyang-diin din ang pag-iwas sa distractions tulad ng paggamit ng cellphone habang nagbabantay, dahil maaaring magdulot ito ng pagkukulang sa atensyon na kailangan ng mga bata.
Ayon sa mga awtoridad, ang isang iglap ng kapabayaan ay maaaring humantong sa aksidente. Dagdag pa nila, ang maagap at tuloy-tuloy na pagbabantay ang pinakamabisang paraan upang mapanatiling ligtas ang mga bata at maiwasan ang trahedya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










