
Mahigpit na tinututukan ngayon ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 91 iba’t ibang eskwelahan sa Quezon City kasunod ng nangyaring Hazing kamakailan ng 12 kabataan sa Sta. Ana, Maynila.
Ayon kay QCPD Acting District Director PCol. Melecio Buslig Jr., naka-deploy ngayon sa iba’t ibang mga paaralan sa lungsod ang 212 mga tauhan ng QCPD upang masigurong walang mangyayaring hazing sa lungsod.
Paliwanag pa ng opisyal na bilang bahagi ng naturang inisyatiba naglagay ang QCPD ng 96 Police Assistance Desks at nagsagawa ng foot patrols, at mga dayalogo sa mga school administrators, magulang, at estudyante para makipagtulungan upang maprotektahan ang mga mag-aaral at napapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa edukasyon.
Hinimok din ni Buslig ang publiko na makipagtulungan sa mga pulis at isumbong kung mayroon silang naglalaman na mayroong mga kabataan na nagsasagawa ng Hazing sa kanilang lugar upang agad na mabigyan ng kaukulang aksyon.