Tinaguriang Mini Las Vegas sa loob ng Manila North Cemetery, sinalakay ng MPD

Sinalakay ng Manila Police District (MPD) Station 3 at Intelligence Unit ang iligal na pasugalan sa loob mismo ng Manila North Cemetery.

Partikular ang pwesto ng video karera sa 2nd Street kung saan dito rin ginagawa ang kara-krus, tong-its, at iba pang sugal.

Bukod sa pasugalan, inirereklamo rin ng ilang care taker ang inuman at videoke tuwing gabi.


Wala naman nakitang nagsusugal kung kaya’t inaalam na kung sino ang operator at may-ari ng video karera.

Kaugnay nito, inaalam na ng MPD kung kasabwat ang mga guwardiya sa iligal na gawain lalo na’t nakapasok ang video karera at videoke machine kung saan pinapayagan ng mga ito ang inuman sa loob ng Manila North Cemetery.

Wala pa naman pahayag ang pamunuan ng Manila North Cemetery gayundin ang lokal na pamahalaan sa nasabing insidente.

Facebook Comments