
Tatalima ang defense team sa naging ruling ng impeachment court na hindi na maaaring talakayin sa labas ng Korte ang mga merits sa Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay defense counsel Atty. Michael Poa, kinansel na nito ang mga nakatakda nya sanang interviews bilang pagsunod sa nasabing ruling.
Aniya, mahirap na raw at baka masampolan ito ng mga penalties.
Ayon kay Poa, na-a-appreciate ng defense team ang naging ruling na ito ng Impeachment Court.
Ngunit ayaw na nilang magkomento pa kung payag sila dito at binigyang-diin na bilang mga abogado ay susunod lamang sila.
Facebook Comments










