Thursday, August 20, 2026

Kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, naghain ng supplemental counter-affidavit sa Ombudsman

Naghain sa Office of the Ombudsman ang kampo ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ng supplemental counter-affidavit kaugnay ng mga alegasyon sa umano’y flood control projects.

Kinumpirma ni Atty. Felix Villa, isa sa mga abogado ni Romualdez, ang paghahain ng dokumento ngayong August 20.

Nauna nang sinabi ni Atty. Ade Fajardo na kalakip ng supplemental counter-affidavit ang mga sinumpaang salaysay ng 25 dating bodyguard ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na inaasahang kokontra sa mga naunang testimonya ng tinaguriang “Maleta Boys.”

Isinama rin umano sa isinumiteng dokumento ang napaulat na pagbawi ni Orly Guteza sa kanyang naunang pahayag na nag-uugnay kay Romualdez sa umano’y cash deliveries.

Giit ng kampo ni Romualdez, ang mga bagong salaysay at recantation ay bahagi ng kanilang depensa laban sa mga alegasyong nag-uugnay sa dating House Speaker sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Facebook Comments