Panawagang mass testing, hindi kinagat ng NTF

28

Sinopla ni National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon ang panibagong panawagang para sa mass testing.

Ito ay sa gitna ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa partikular sa NCR Plus Bubble.


Giit ni Dizon, dapat sundin ng gobyerno ang mga medical journals at pahayag ng health experts na gamitin ang risk-based at targeted testing strategy imbes na isailalim sa testing ang 110 milyong Pilipino.

Sa pamamagitan ng risk-based and targeted testing, tanging ang mga inirerekomenda na isasailalim sa testing ay ang mga may sintomas, mga nagkaroon ng close contact sa COVID-19 patient at mga taong galing sa high-risk areas ng COVID-19.

“Ang importante ang sinasabi ng mga eksperto kasama na rin ang mga eksperto sa Pilipinas, kailangan ang testing natin ay risk-base at very targeted. Mayroon din isa pang journal sa Amerika, ang sinasabi, hindi natin puwedeng gamitin ang testing lang para masolusyunan ang COVID-19. We cannot test our way out of this pandemic,” ani Dizon.

Ayon pa kay Dizon, mas mabuti pa ring sundin na lamang ang payo ng mga eksperto na pagsunod sa minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face masks, madalas na paghuhugas ng kamay at social distancing.



Facebook Comments