Monday, April 27, 2026

Reklamo sa piskalya ng mister ni VP Duterte, “pampagulo” lang — Ridon

Para kay House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon, “pampagulo lang” ang reklamong inihain sa Quezon City Prosecutor’s Office ng mister ni Vice President Sara Duterte na si Manases Carpio laban sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang miyembro ng House Committee on Justice.

Punto ni Ridon, hindi pa rin sinasagot ni Carpio kung saan nanggaling ang mahigit P6.7 bilyong halaga ng mga transaksyon sa bank accounts nila ni Vice President Duterte.

Giit pa ni Ridon, walang legal na basehan ang reklamo ni Carpio dahil ang paglalantad sa naturang impormasyon ay ginawa umano sa isang valid impeachment inquiry at alinsunod sa Konstitusyon, kung saan may kapangyarihan ang House of Representatives na mangalap ng ebidensya.

Diin pa ni Ridon, hindi maaaring gamitin ang confidentiality laws para takasan ang pananagutan, lalo na sa isyu ng hindi maipaliwanag na yaman na maaaring umabot sa betrayal of public trust.

Ipinaliwanag din ni Ridon na ang AMLC ay may malinaw na mandato sa batas at bahagi ng tungkulin nito ang pag-uulat ng mga kahina-hinalang transaksyon.

Facebook Comments