Thursday, May 21, 2026

QC-LGU, nangako ng tulong sa mga nailila ng  ginang na binawian ng buhay habang nakapila sa AICS payout ng DSWD 

Nagpaabot ng pakikiramay ang  pamahalaang lungsod ng  Quezon City sa pagpanaw ng isang ginang na nakapila sa  Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) payout sa  Risen garden ng city hall.

Nagpaabot na ng burial assistance ang Local Government Unit (LGU) sa pamilya ng residente. 

Ire-refer na rin umano ang kaniyang bunsong anak para maging bahagi ng scholarship program ng lungsod. 

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa pamilya ng ginang upang alamin kung paano pa sila maaaring matulungan.

Nangako naman ang LGU na rerepasuhin  ang pagpapatupad ng mga protocol, partikular sa usapin ng kaligtasan sa lahat ng aktibidad sa City Hall compound.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), habang nakapila si aling Marlene kasama ang iba pang mga benepisyaryo, bigla itong nawalan ng malay at bumagsak nang pasubsob sa semento.

Facebook Comments