Wednesday, July 29, 2026

LTFRB, magpapakalat ng mystery riders sa Region 10 para bantayan ang operasyon ng mga colorum

Nagpakalat ang Land Transportation and Regulatoey Board o LTFRB ng mga mystery riders na palihim na sasakay sa mga public utility vehicle o PUV at mga pampribadong sasakyan sa buong Northern Mindanao.

Sa ilalim ng inisyatiba, mas mabisang mamo-monitor ang mga aktwal na operasyon ng PUV, at mas mabilis na matutukoy ang mga sasakyang bumabyahe nang walang prangkisa mula sa LTFRB.

Ito ay bilang bahagi umano ng mas pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa mga colorum at iligal na pampasaherong sasakyan, at alinsunod na rin sa LTFRB Memorandum Circular No. 2026 -018 at Board Resolution No. 2026-088 na naglalayong mas palakasin pa ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon laban sa mga iligal na operasyon sa pampublikong sasakyan.

Kasabay nito, hinimok din ng ahensya ang publiko na sumakay lamang sa mga lehitimong sasakyan at agad na i-report sa kinauukulan ang mga hinihinalang colorum operations.

Facebook Comments