Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magninilay-nilay rin sa Holy Week

Magninilay-nilay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa darating na Holy Week.

Ito ang kanyang pahayag matapos ang media interview sa Bataan.

Ayon sa pangulo, taun-taon ay ginagawa niya ang pagninilay-nilay ng ilang araw kasabay ng bonding sa pamilya.


Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na wala siyang partikular na utos sa mga ahensya ng gobyerno para sa paghahanda sa Holy Week.

Ayon sa pangulo, matagal nang handa ang mga ito dahil taun-taon naman ang paggunita ng Semana Santa.

Sa ngayon ayon sa pangulo, tanging mga adjustment na lamang ang ginagawa dahil sa mainit na panahon.

Sa kabuuan ayon sa pangulo, tinitiyak ng gobyerno na komportable ang lahat para sa paggunita ng Semana Santa.

Facebook Comments