Panibagong insidente na pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Palawan, iniimbestigahan na ng AFP Western Command

Inaalam na ng Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y panibagong insidente ng pambu-bully ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ito ay makaraang lumutang ang isang video hinggil sa umano’y pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino na pumapalaot sa karagatang sakop ng Palawan na bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Defense Spokesman Dir. Arsenio Andolong, hinihintay na lamang nila ang ulat mula sa WESCOM hinggil sa ginawa nitong validation tungkol sa naturang video.


Aniya, gagawa ng hakbang ang gobyerno sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments