Panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

218

Posibleng magkaroon ulit ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad, nasa higit P1.00 ang posibleng tapyas sa kada litro ng diesel, at kerosene.

Ani Abad, kung hindi humina ang halaga ng piso kontra dolyar ay mas malaki sana ang rollback sa susunod na linggo.


Asahan naman na mag-a-anunsyo ng opisyal na price adjustment ang mga kompanya ng langis sa araw ng Lunes, at ipatutupad ito sa Martes.

Facebook Comments