Panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad ng ilang oil company bukas!

Ipatutupad ng mga kompanya ng langis ang panibagong taas-presyo
sa produktong petrolyo bukas, Hunyo 7.

Tinatayang nasa P2.70 kada litro ang idadagdag sa presyo ng gasolina habang P6.55 sa kada litro ng diesel, at P5.45 sa kada litro ng kerosene.

Ipapatupad ng Caltex ang taas-presyo epektibo mamayang alas-12:00 ng hatinggabi; habang ang Shell at Seaoil naman ay bukas ng alas-6:00 ng umaga; at ang Cleanfuel ay alas-8:00 ng umaga.


Ang oil price hike ay resulta ng desisyon ng maraming bansa sa Europa na ipagbawal ang langis na galing Russia bilang sanction o parusa ng pananakop nito sa Ukraine.

Facebook Comments