
Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga raliyistang kabataan at ng marshall sa labas ng tanggapan ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA sa Bonifacio Technology Center sa Taguig City.
Ito ay matapos itaboy ng mga marshall ang mga raliyista na nagsagawa ng lightning rally bilang pagkondena sa planong pagtatayo ng Pax Silica sa New Clark City sa Tarlac.
Igiiniit ng mga kabataan na patuloy na itinatanggi ng BCDA na maraming magsasaka ang palalayasin sa pagtatayo ng 1,600 ektaryang Pax Silica hub.
Pinangunahan ng League of Filipino Students, Agham Youth, Gabriela Youth at Katribu Youth ang pagbatikos sa anila’y pagmamatigas ni Pangulong Bongbong Marcos na ituloy ang inisyatiba sa kabila ng pangamba ng publiko.
Dagdag ng grupo, maliban sa wala itong transparency, malaki rin ang posibilidad na masisira ang kalikasan dahil sa proyekto.
Malaki rin anila ang epekto nito sa bansa pagdating sa suplay ng kuryente at tubig.










